LITIF's (Lihim na Tinig ng Filibusterismo): Kabisaan ng Pag-aaral para sa Pagtuturo ng Obrang Maestrang El Filibusterismo
Abstrak Ang pagtukoy sa kabisaan ng isang kagamitang pampagtuturo ay mahalaga ang kontribusyon upang malaman kung paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral na matuto at lumago ang kaalaman. Ang pananaliksik na ito, na may pamagat na Litif's (Lihim na Tinig ng Filibusterismo): Gamit sa Pagtuturo ng Semantika ng Obra Maestrang El Filibusterismo, ay naglalayong suriin ang kabisaan ng isang web-based platform bilang isang alternatibong kasangkapan sa pagtuturo ng semantika ng nobela. Ang El Filibusterismo, bilang isang makabuluhang obra sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, ay mayaman sa mga makasaysayang konteksto at linggwistikong pagkakahulugan. Gamit ang teknolohiya, nilalayon ng website na gawing mas madali at interaktibo ang pag-aaral ng mga salitang ginamit sa akda, at magbibigay ng mga diskusyon at pagsusuri sa semantika nito. Susuriin sa pag-aaral na ito ang kahusayan ng website sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapataas ng interes ng mga mag-aaral sa larangan ng Filipino, par...